Ang Kahon ng Hapon sa Aking Isip release_yi36o2rm3bfmjkk43aa2z7ju2a

by Rolando Tolentino

Released as a article-journal .

Abstract

K apag sinabing kahon, ibig sabihin ay makitid ang pag-iisip. Pero kung ito ay nasa isip, paano ito kikitid? Nasa Singapore na ako nang bigla kong ma-miss ang Japan. Noong nasa Osaka ako nang dalawang taon, naiinip ako. Nasisikipan ako sa paulit-ulit na tahimik na ritmo ng buhay ko roon. Maging ang mga larawan na kuha ng mga kaibigan ay parati lang namang magkakatulad-sa loob ng mga restoran, labas ng shopping mall, loob ng tren, mga labas na kuha ng iba't ibang mukha ng buhay at kaligiran sa Japan. Lahat ay may itinakda nang angkop na gawain sa bawat bagay. Pati ang kulay ng suot ay nakalaan na, bumabagay sa panahon: pastel kapag spring, matitingkad na kulay at puti kapag summer, kayumanggi kapag fall, at itim kapag winter. Nagpunta ako sa Osaka University of Foreign Studies para magturo sa kanilang Philippine Studies program. Oo, mayroon silang dalawang pamantasan para matuto at magka-degree sa pag-aaral ng Filipinas. Ang isa ay sa Tokyo, at ito na ngang sa Osaka na puwede kang mag-aral ng wika, kultura, ekonomiya, kasaysayan at politika ng 25 bansa.
In text/plain format

Archived Files and Locations

application/pdf  97.7 kB
file_owrccwbdcncxbjlgntqtw5usmm
web.archive.org (webarchive)
journals.upd.edu.ph (web)
Read Archived PDF
Preserved and Accessible
Type  article-journal
Stage   unknown
Work Entity
access all versions, variants, and formats of this works (eg, pre-prints)
Catalog Record
Revision: 684de82e-bb3c-43f2-8f4a-bda4649c3dab
API URL: JSON